Saturday, July 16, 2011

Sampaguita (Dolores Paterno, 1879)

Sampaguita
(Tagalog version by Levi Celerio)

Sampaguita ng aming lipi,
bulaklak na sakdal ng yumi
Ikaw ang mutyang pinili
Na sagisag ng aming lahi,

At ang kulay mong binusilak
Ay diwa ng aming pangarap,
Ang iyong bango't halimuyak
Sa tuwina'y aming nilalanghap.

O bulaklak, na nagbibigay ligaya,
O! paraluman, mutyang Sampaguita,
Larawang mistula ng mga dalaga;
Ikaw ang tanging bituin
Hiraman ng kanilang ganda.

Ang iyong talulot
Ang siyang tunay na sagisag
Ng sa dalagang puso'y wagas,
Kayumian at pagkamatapat.


The Flower of Manila
(English version)

Lovely bloom of the Sampaguita
By my Philippine maid beloved,
Not a flow'r in the world is sweeter
As you circle her lovely brow!

In the daintiest collar clinging,
With one bud like a pendant swinging,
Round the neck of the gentle and beautiful one,
How happy and fortunate now!

Beautiful flow'r Enchantment of fair Manila
With happiness fill her,
O bright Sampaguita Beautiful flow'r
O rest on her hair so lightly!

Softly caressing, touch her with blessing
Dear Sampaguita flow'r Green of the Garden!
Beloved symbol of my dear maiden,
Pure Sampaguita, Entreat her to smile again
My flow'r of flow'rs

No comments: